culture

simpleng buhay sa jeep

Monday, February 16, 2009


Isa sa mga maituturing nating orihinal na bahagi ng kulturang Pipino ay buhay jeepney. Kanina sa aking pag-uwi galing sa school, medyo naging interesado lang ako sa ano bang isang tipikal na nangyayari sa jeep naten sa panahon ngayon.

Ang jeep na nasakyan ko ay masasabi kong simple lang. Walang mp3, o cd player at speakers na isa na tumutunog ng "duzdugz" na kahit ilang tapal ng simento ang dingding ng bahay mo ay maririnig mo pa rin. Simple lang din ang ilaw, walang blacklight at disco lights na nakakapagpasakit ng ulo ng mga pasahero. Wala ding gaanong stickers ng "hudas not pay" o "no id no discount". Simple lang din ang style ni manong kasi wala siyang taripa. Siguro itinago nya o hindi pa siya nakakabili.

Dumako naman tayo kay manong driver. Si manong ay isang driver na hindi na kabataan, kasi base sa mga puti ng buhok niya hindi na siya mapagkakamalang nagpahighlight eh. Masasabi kong simple din siya kung titingnan sa get-up niya. Medyo may pagkamainitin lang nga ang ulo kasi kapag medyo alanganin ang binabayad na pamasahe medyo tumataas ang boses niya.

Luminga-linga ako sa mga pasahero, kunwari tumitingin tingin lang sa nadadaanan. Pansin ko lang walang masyadong makuwento ngun sa nasakyan ko. Tahimik ang lahat. Mayroong natutulog na magkaholding hands na mag-asawa, mayroong dalawang babaeng magkakilala pero dahil nakaupo sila sa maluwag na bahagi ng upuan ng jeep.

upong pa side ang style nila at nakatingin lang sa labas kala mo nagfifield trip. Mayroon namang isang mukhang galing sa trababho na busy sa pagttext. At mayroong biglang nagbayad. Sabi niya "almar lang po, studyante kasasakay lang". Napaisip ako bigla, bakit sa panahon ngayon lalo na kung estudyante at senior citizen ka karaniwang ang haba ng dialogue mo pagnagbabayad? Minsan iba iba pa ng style ng pagkakasabi pero pareparehas lang naman din ng nilalaman. Siguro kaya ganon ay para maiwasan ang pagsusukli ng walang discount. Minsan kasi kahit obvious na estudyante o senior na senior na hindi pa din binibigyan ng discount.


Inabot lang ako ng tatlumpong minuto bago dumating sa destination ko. Mabilis na rin ang biyahe ngyon kasi kung may traffic cguro isang oras o higt pa aabutin ko. Sa pagalala ko kontti lang ang narinig kong nag "PARA" kasi karamihan bumaba na sa pinakabababaan nung jeep. Napaisip na naman ako, bket kaya ang paraan para sabihin nateng baba na tayo o nais nateng phintuin ung jeep ay sa pag sabi ng "PARA"?
Gusto kong iresearch yun eh, kasu siguro sa sususnod na blog ko na ilalagay. Sa ngayon nais ko munang maging misteryo sa akin sa iba sa atin na hindi rin alam kung ano ang ibig sabihin nun.

Sa pagbaba ko ng jeep ni manong tiningnan ko kung ano ang plate number niya para sana maisama ko din sa blog ko kahit yung number nya na lang kasi hindi ko nakuha pangalan niya eh. Kasu hinanap ko, wala! Pde ba un? siguro nasa harapan. pero bilibn din ako kay manong ha, wais agen.

You Might Also Like

1 comments

  1. wuuoo... i like these photos!!!

    all are beautiful!

    ReplyDelete

you are free to write any comments regarding about my postings :)

SUBSCRIBE

Like us on Facebook