culture

Simpleng Buhay sa Jeep 2 Introduction

Wednesday, February 25, 2009


Ang mga sumusunod na pahayag ay naisulat pa noong February 20, 2009

Sa panahon ngayon uso na ang may part 2. karamihan halos ng napanood ko na may part 1 ay may part 2. minsan nga hanggang part 3 pa eh. Madalas pati sa concert uso din ang may part 2. Pero para hindi masyadong obvious ang ginagawa nilang title ay mga - 'the return of the comeback'. o kaya yung ending nung title lageng dinudugtungan ng - .."the repeat". Pagdating naman sa mga gadgets and softwares nauuso na rin yang mga may part 2. Pero medyo iniiba nila ang term- ginagawa nilang version! Biruin mo yun? yung yahoo messenger mo na version 8.0.1.2 (imbento ko lang!) bukas makalawa may version 9.0.0.1! hai!. yung PSP mayroon ng ps3, tpos bka bukas may ps4 na! Ganun kabilis magupgrade pagdating sa technology! yun ngang AUTOCAD eh. Ayon sa aking source - itago naten siya sa pangalang Rodge Ramirez, ay mayroon ng version na pang 2010! Wow super advance! Tao talaga no? Hindi nakokontento! Man is never satisfied. Kaya noong nasa Software Engineering course ako, ang sabi ng aking prof ay -"you should develop a software that is flexible...kasi customers are never satisfied!"

Siguro nagtataka kayo kung baket puro ganito ang introduction ko? Kasi nakita ko rin at napatunayan ko sa sarili na ganun nga. Biruin mo ba naman kahit itong simpleng topic sa blog ko gagawan ko pa ng part 2! hahahaha. Pero hindi naman sa hindi lang ako kuntento - Ako lang ay marami pa kasing naexperience sa jeep na gusto kong maishare naman sa madlang people! - (hindi nga kuntento)

Pero sometimes kasi we mistaken - satisfaction with contentment right? for me they magkaiba yun. Kasi sometimes we are content even though we are not satisfied. magulo ba? Halimbawa, binibigyan ako ng baon arawaraw ng P5.00. masyadong maliit sa isang college student di ba? pero masasabi kong kuntento na ko dun ngunit hindi ako satisfied. aha? hindi ko din maipaliwanag ng maayos eh. Pero sa tingin ko marami sa inyo ang kayang ipaliwanag yan. kaya Please dont hesistate to paste your Comment here or vote sa aking Simpleng Poll na - "Do you believe that the meaning of Satisfaction is different from Contentment?"

You Might Also Like

0 comments

you are free to write any comments regarding about my postings :)

SUBSCRIBE

Like us on Facebook