Wednesday, August 25, 2010

Simpleng Buhay sa Jeep FINALE

It's been a while. Sa tinagal tagal ng panahon ay ngayon na lang ulet ako nakabisita sa sarili kong blog. Ang dame ng nangyari, grumaduate na ko, nagkatrabaho na ko, sumikat again Pilipinas dahil sa hostage taking, natapos na ang Ms. Universe at ang pamatay nyang sagot (siguro dahil kabado lang naman). Pero sa kabila ng maraming pagbabagong ito, one thing na di pa rin nagbago and that is... nagccommute pa rin ako sa jeep!


Para sa akin, isa sa mga pwedeng magpapakita ng kulturang Pilipino ay ang mga simpleng karanasan naten sa jeep. Sa jeep naten masisilip ang mga mabubuting kaugalian ng mga Pilipino, tulad ng simpleng pagiging tapat sa pagbabayad kahit di naman sinisingil, mga simpleng pagpapaubaya ng upuan sa mga nakakatanda at babae, mga simpleng pag-abot ng bayad kahit walang 'please' na sinambit, at mga ilang mga di dapat tularang ugali tulad ng pag biyahe kahit colorum ang jeep, paglalagay sa mga pulis, pag 123 at marami pang iba na ang ilan ay nabahagi ko na sa mga nauna ko ng edition ng aking simpleng buhay sa jeep series.

Pinili ko na pong lagyan ng tuldok ang aking mga kapana-panabik na serye dahil sa ngayon may bago na akong mga karanasan ngunit sa ibang way naman ng communication, level up na to -> simpleng buhay sa mrt.

Thursday, October 29, 2009

Dreaming and Wishing; The Difference!



When was the last time you wished and dreamt for something?

Dati, naguguluhan ako sa dalawang word na yan. Feeling ko parang parehas lang naman!Because they both point to the things that we longed for.

Hinanap ko kay google ang meaning ng dalawang word and I've found out na halos di talaga nagkakalayo ang meaning nilang dalawa kasi parehas lang halos meaning nila talaga! Wish is defined as a desire, longing, or strong inclination for a specific thing. While yung dream naman is a condition or achievement that is longed for; an aspiration.

Last sunday, I went to a joint youth fellowship at Deparo, Caloocan City. It was then when i finally come to a realization of the difference between dreams and wishes. The pastor asked us, "You know the difference between a dream and a wish?", nobody answered so he continued, "You will know it's a wish, if you wish for something and then after sometime you'll eventually forget it and you will know if it is a dream, when you longed for something to become true that even though you want to forget it, this dream will not let you go, it will always hunt you."

Yun pala yun! Ang wish pala, even though at the time you made it, and super serious ka tulad nung huli akong nagwish dahil sabi nung kaibigan ko nahulog daw pilik mata ko, kaya dapat akong magwish.
I seriously wished na sana makagraduate ako ng college, even though na i truly dont believe yung mga ganung practices na porket nahulog ang pilik mata eh may karapatan na kong magwish. Kasi ang totoo naman kahit kalbo na pilik mata mo, pwede pa rin tayong magwish diba :)

But when asked, when was the last time na idreamt for something as in nangarap ako? Before hindi ko talaga masasagot yun ng diretso. Feeling ko kasi ngayon yung mga dreams ko before was wishes lang pala. Kasi eventually nakalimutan ko sila halos and di nila ako ganun hinunt.

Pero im glad kasi according nga isang quote, 'we can always have a brand new start!', kung tatanungin nyo kung sino nagsabi nun, well, hindi ko rin kilala, hanapin niyo na lang kay google, baka meron nga nagsabi. With this quote in mind, alam kong di pa huli ang lahat and i can start dreaming!

The pastor in that fellowship, really encouraged us, the youth especially, na always dream for something. And di lang basta basta dream. Dream something so big na it will took the Hands of God to do it!

Wow! What a dream would that be!
He told us, 'kung mangangarap rin naman kayo, wag niyo nang pangarapin yung mga bagay na kaya niyo namang gawin! Nangarap pa kayo!'.Kung mangangarap daw tayo, pangarapin na naten yung mga bagay na si Lord lang makakagawa para sa aten.

After that fellowship, maniwala kayo sa hindi, nagumpisa na kong mangarap. And my dream is .... secret. Basta marami sya.

And syempre the important thing is, hindi tayo hanggang pangarap lang! We also ask and keep on asking, seek and keep on seeking and knock and keep on knocking God about these dreams of ours.


And of course samahan naten ng action kasi faith without action is dead! Why do we act? sabi ko earlier diba na yung pangarap naten tipong si Lord lang makakagawa, siguro tinatanong mo ko, why ACT eh si Lord nga lang makakatupad nung pangarap ko? Do you remember the miracle na pinakain ni Jesus yung 5000 na katao? Before that miracle took place, the disciples did something na masasabi nateng ACTION nila before yung miracle and that is they offered Jesus what's in their hands - the five loaves and two fishes. Then after, that great miracle happened - JESUS super multiplied what the disciples gave! :)

Pero of course pag hindi niloob ni Lord matupad dreams naten wag naman tayong magtampo kasi unang-una if it against His will. Kasi yung pala dinidream mo ay maghari ng buong universe, eh syempre naku naman, masamang pangarap na yun. Kaya automatic alam na naten answer sa dream mo na yun isang malaking No.
We should always be open and sensitive for God's answer kasi yun naman ang always best.
but.

'Never stop dreaming'.

Godbless!

Wednesday, September 30, 2009

Somethings are not what they seem


Isang mineral water. Yan ang ang tanging materyal na bagay na nakuha ko kapalit ng aking maliit na tulong. Don't get me wrong! 'Wag nyong isipin na nagrereklamo ako sa nakuha kong freebie sa sagip kapamilya.

Sa totoo lang kasi, narealize ko lang na minsan, may mga bagay sa mundo na maliit lang sa tingin naten pero sa iba pala ay malaki na.

Tulad na lang nitong 'Viva Mineralized Water (oh diba past tense pa) na siguro kung sa pananaw ng ibang hindi nagvolunteer ay maliit lang na bagay. Pero sa aken at sa mga kasama kong nagvolunteer kanina, ito ang bukang bibig nila, "Pengeng tubig","is there any water?".

Isa pang halimbawa ay yung pagrerepack namen kanina at pagbubuhat ng mga macho guys ng mga goods. Sa tingin kasi namen mga simpleng bagay lang yun na pwede nameng magawa para makatulong, pero ang epekto pala nun sa mga mabibigyan ay malaki. Sabi nga ni vincent van gogh "Great things are done by a series of small things brought together."


At ang pinakahuli sa lahat na pwedeng magpatibay sa aking realization ay ang simpleng tubig ulan!

Simpleng tubig ulan na kumitil ng 204 na katao at halos 1 billion plus na aria-arian.


Siguro nga may mga bagay na kahit simple, maliit or di masyadong big deal sa paningin at pananaw naten ay maaaring di ganun kasimple, or kaliit o ka-big deal sa tingin din at pananaw ng iba.

Somethings are not what they seem.

Sa situation naten at marami sa ating mga kababayan ngayon, well pwede pa rin nateng masabi na "Somethings are not what they seem to be" kasi naniniwala ako, na may purpose pa rin kung bakit niloob ng Diyos na mangyari ang mga bagay na ito. And of course if He willed it, His purpose is always for the best!

Finally, ang aking conclusion at final realization ay ito - sa tingin ko at narealize ko, kaya siguro nabuo ang quote na "expect the unexpected", ay para pag dumating ka sa point na tulad nitong aking realization, ay may masasabi kang quote!

:)

Tuesday, June 23, 2009

Simpleng banat sa text

"Who says Peter pan has done nothing wrong? Peter Pan loves Wendy so much that he didn't notice, Thinkerbell cry and die for his happiness"

"If everybody deserves a second chance, would it mean we also have the freedom to waste the first one?"

"when life gets to hard to stand... KNEEL"

"Often times we need to pray not because we need to change the situation, but primarily because we need God to change our attitude about the situation."

"Learning from the experience of others sounds good instead of having to make all the mistakes ourselves. You don't have to flunk a test or repeat a course to know its not something you want to do. You can just observe the sadness of others who have."

it's one in one....


ika 13 ng Hunyo, 2009, 8:51 PM nareciv ko ang seryosong text message na ito ...

"it's one in one"...



seryoso diba?

pero after ng ilang spaces,

ayun ito pala kasunod..


" - Manny Pacquiao binigkas ang(H1N1)"!

Isang patok na text na naman ang naforward ko nung gabing iyon.
Kinabukasan nung nakita ko mga tinext ko, ayun ikinuwento saken mga naging reaksyon nila na parang kala mo ngkukuwento tungkol sa isang mahalagang bagay.

"tawang-tawa talaga ako,... pinabasa ko nga sa kapatid ko, ayun tawang-tawa rin", hirit ng isa sa mga G-ni-M(group message) ko.

Nakakatawa talaga yung mga ganitong mensahe na kala mo seryoso sa una, sa huli nakakatawa pala. Yan ang mga text na talagang nakakahuli ng tawa ng ilan sa atin. Pero sana nga matulad na lang ang h1n1 sa text - yung tipong sa una kala mo seryoso, yun pala sa huli nakakatawa lang. Sana hindi maging baliktad, na sa una kala mo biro lang, yun pala seryoso na.

Wednesday, May 13, 2009

minsan kailangan talaga...

Minsan napupuno kana
at halos hindi ka na makahinga
pilit mang pigilin
hirap pa ring tiisin

Bakit hindi mo na lang hayaan
nang hindi ka na mahirapan
puntahan mo na ang iyong hingahan
At ang iyong punong-punong kalooban
ay doon mo bawasan


Wednesday, March 11, 2009

Simpleng Buhay sa Jeep 5

March 2, 2009


Ito na ang araw ng defense ng grupo ko sa thesis zero! Ang simpleng jeep na nasakyan namen ni mae (kasama kong sumakay papunta sa school) ay Jeep na may Signboard na PHILCOA. Limang minuto na lang ang natitira bago mag alas tres, lubos akong nagdarasal sa Diyos n asana makaabot kami sa tamang oras n gaming defense. Sa kabila ng tensyon at nerbyos na aking nararamdaman, hindi pa rin maalis na mapansin ang simpleng buhay na nangyayari sa loob ng jeep.

Sa oras na iyon hindi masyado kaming siksikan sa loob kasi nakakaupo pa naman kami ng kasama ko ng mayos kahit puno na ang jeep. Tama lang din ang ventilation kasi medyo malaki ang bintana ng jeep kaya kahit nakaplastar na ung buhok ko medyo nagulo kasi mahangin sa labas. Mukhang wala namang kakaibang nangyayari maliban na lang ng sa mukhang nakaagaw ng pansin sa lahat ng pasahero mula sa hulihan ng jeep at hanggang unahan ng jeep na tila lahat ay pasimpleng tumitingin sa dalawang lalaking magkatabi sa tapat kong nakaupo. Paglingon ko sa kaharap ko, inisip ko aba talagang makukuha yung intension ng lahat kasi siguro gwapo at maputi yung lalaking kaharap ko pero parang biglang nagbago yung pagiging guwapo nya nung kinuha yung kamay niya nung katabing matipunong lalaki rin sabay nagholding hands sila. Kaya pala, nagets ko na. yung mga tao siguro hindi makapaniwala kasi yung dalawang mga naggwapuhang lalaki sa tapat namen ay magsyota! Kulet talaga ng buhay sa jeep, pag may pasahero na sa tingin ng ibang pasahero na kakaiba ay talagang pagtitingin nila.

Nakaaliw rin palang magobserba, kasi kahit papaano nabawasan ang alalahanin ko at nalipat sa aking pagmasid sa kultura ng jeep.
Habang ako’y nagrereview ng sasabihin ko sa defense, medyo napapansin ko lang na si manong backride ay maka-ilang beses na inaalis yung signboard ng jeep tapos makailang sandali rin ay ibabalik rin. Hindi niya lang siguro trip na magpakapagod ng ganun kung wala siyang dahilan. Tinanong ko yung kapatid kong lalaki kung bakit nangyayari yun pagkauwi ko sa bahay at nagbigay siya ng tatlong uri ng dahilan. Unang una raw tinatanggal lang daw ang signboard ng jeep kapag malapit na sa destinasyon nung jeep. Ikalawa, kaya tinatanggal raw ang signboard kasi pag hindi na raw bibiyahe si manong driver at didiretso na siya sa garahe niya. At huling-huli na sa tingin ko ay siyang talagang dahilan nung backride ay para hindi siya mahuli dahil hindi talaga niya linya yung ruta ng signboard na nilalagay niya. May mga ganun rin palang pandaraya kahit sa kalsada na kahit alam ng mali at sumusuway sa batas, patuloy pa ring ginagawa hangga’t nakakalusot.

Nakarating din ako at si mae sa wakas sa STI nang hindi naman nahuli si manong driver at ang kanyang jeep dahil sa colorum, pero sa kabila nuon, naniniwala ako na kung magpapatuloy si manong driver at manong backride sa ganung gawain, darating ang araw at aanihin din nila ang bunga ng kanilang ginagawa.