culture

Simpleng Buhay sa Jeep 2

Wednesday, February 25, 2009



February 20, 2009 , martes. Ito ang araw ng pagpunta namin sa aming client sa thesis. Ang aga kong gumising, pero tanghali na ako bumangon! Medyo malalate na kame ni ez(ezra john estrada) sa aming pinagusapang oras ng pagkikita ni laumie(laurie mae gucilatar) sa munisipyo ng montalban. pagdating namen sa terminal ng jeep na papuntang bukid o kasiglahan ay dumiretso na kami agad sa loob ng jeep sa pagmamadali. Sabi kasi nung barker aalis na raw at dalawa na lang yung kulang. Pero baket nung pagupo namen ni ez hindi pa agad umalis. Ang sinabi naman nung barker ngayon - "isa na lang aalis na". Inisip ko ako ba yung hindi marunong magbilang o yung barker? kanina dalawa na lang yung kulang ngayon isa na lang! Siguro ang paraan ng pagbilang niya sa pasahero ay by PAIR!. Pero hindi bale na rin dahil hindi naman gaanong kasikipan nung dumating na yung isang kulang kasi hindi naman umupo sa bahagi ng inuupan ko eh!.

Nag-umpisa ng lumarga. Kakaiba itong jeep na ito sa mga ordinaryong jeep na nasasakyan ko. Kasi ramdam ko na may bahid pa ng - kulturang probinsya. kung ilalarawan ko kasi yung itsura nung jeep - medyo malaki siya at mabigat kumpara sa mga nakakasilaw na stainless jeep na talamak na bumibiyahe sa mga highway. Yung jeep rin na ito ay mayroong "hila mo, hinto ko or in english pull the string to make para" style. Yung mayroong tali na nakakabit ata sa preno ng jeep na naka extend hanggang sa dulo ng jeep. eto yung isa sa mga bagay ng pagpapakia ng kakaibang katalinuhan ng pinoy! Biruin mo kasi paghinila mo yung tali, biglang magkakaroon ng kakaibang senyas kay manong driver para bigla siyang huminto?! Galing tlaga!

Isa pa sa mga kakaibang napansin ko sa jeep na ito ay may Konduktor! hindi katulad sa mga jeep na sinasakyan ko na ang tagakuha ng pamasahe ay nakaupo rin sa harap, katabi ni manong driver. Isa ito sa mga masasabi ko na magandang gayahin ng mga jeep sa manila! Kasi maganda rin tong paraan para masiguradong walang mag 1-2-3! Kasi biruin mo ba naman kahit natutulog gigisingin para hingan ng bayad eh! walang takas talaga! At saka hindi mo magagawa ang style na "sabit tapos biglang baba" kasi si manong konduktor ay nakasabit na kaya wala talagang takas! - Wais gyud!

Pansin ko lang sa mahabang lakbayin namen ni ez ngayong araw ay mukhang parang mas medyo humahaba ata. Kasi imbis na mula sa commonwealth market ay dapat tatakbo lang ng konti at iikot na sa may malapit na pwedeng mag-u-turn tapos didiretso na ng litex na tatagos sa montalban. Pero ngayon pansin ko, bakit parang nasa ever na kami, hindi pa rin nag-uu-Turn si manong? iniisip ko na nga at ngmaraming pasahero na mukhang may balak pa ata si manong na umikot sa Philcoa ah?!! Ang layo na nun! sabi nung isang pasahero na medyo natatawa pa -"Ano to? Field trip?". Sa wakas may nagvoice out rin ng hinaing niya! Kanina pa ko naghihintay na may magrereact eh, at sa wakas noong pag-abot namen ng tandangsora may nagsalita rin - si manong! banat niya - "san ba talaga tayo dadaan?" Hay mga pilipino talaga ayaw ng confrontation. Hihintayin pang mapalayo bago magreact?! Pinoy nga ako kasi di rin ako nagreact vocally eh, puro react namen kasi ni ez pabiro eh.

Nabasag na rin ang pagtatalo talo nung nagsalita na rin si Manong Kundoktor sabi niya - "Hindi kasi naka -uniform yung driver!"
Now I know na! Kaya pala kami napalayo ng ganito kasi si Manong hindi nakaUNiform! WhHaaaaaaaaaT! Nalate kami ng isang oras dahil hindi nakauniform si Manong! Para sa amin napaka liit na bagay lang yun at marahil sa ibang pasahero na madaling madali na rin. napasabi pa nga si ate na nakaupo sa katapat ko ng "bakit kelangan pati yung mga pasahero ay maSacrifice?" although medyo parang mali yung grammar pero parang ganun din yunng tinutumbok ni ate.

Tanong ko ngayon sa sarili ko? Sino ang dapat sisihin? (michael v.? ako ba ito?)
Si manong ba o yung mga nagpapatupad ng batas? Napakalaking ground ba yung hindi pagsuot ng uniporme para mahuli at maissuehan ng ticket? O pwede rin namang si manong ay talagang hindi masunurin na ultimo pagsusuot lang ng uniform hindi nya nagaawa?

Ngayon ko natanto na meron din palang war sa kalsada? at ito ay sa pagitan ng mga Driver at ng mga Pulis/LTO. Ang tanong sino ang bida at kontrabida?


Hindi ko rin alam ang sagot eh, basta ang alam ko si manong driver pinaglaban ang lisensya niya kahit madamay pa ang pasahero niya. Siguro para sa kanya isang malaking kawalan ang maissuehan ng ticket o mahuli at natake niya lahat ng pang-aasar ng mga pasahero niya.

You Might Also Like

1 comments

  1. oh... i love the 3 photo, in black and white!!! is perfect!

    Beso.

    ReplyDelete

you are free to write any comments regarding about my postings :)

SUBSCRIBE

Like us on Facebook