Simpleng Award

Honest Scrap Award

Friday, February 20, 2009


"Time to pass this on to 7 souls whom I feel are worthy enough to be presented of this award. These bloggers have shared so much of themselves in their blogs. I admire these people and I know that they will take on this challenge of telling something about them." - eto ang huling linya ni 'Edsie' nung inaward nya sa amen, ehem sa aken mga kaibigan ko na follower nya rin - ang pangarap kong Honest Scrap Award. Well simple lang ang masasabi ko sa nag-Award sa akin -"Simpleng SALAMAT"dahil sa pagiging mong isa ka sa mga unang follower ng blog na naglalaan ng oras para mgcomment sa blog ko;) "Simpleng SALAMAT rin sapagkat ang iyong Blog na "I'ts my turn" ay isa sa mga bilang na masasabi kong Simpleng Blog pero di simpler. hahaha kasi sabi nga ni Albert Einstein - "Make everything as simple as possible but not simpler" Simpleng Salamat Edsie!
Alinsunod sa responsibilidad ng na-awardan ng Award na ito ay kailangang magPost ako ng 5 may katotohanang mga bagay sa tungkol sa Simpleng Buhay ko. At ito ang mga sumusunod:

Top 5 - Hindi ako nakikipagtextmate sa hindi ko kakilala. Sa iba, naeenjoy nila yun at dun sila masaya, pero ako talagang hindi ako alam kundg bket hindi lang ako nakakatagal makipagkwentuhan sa text to the person i only met in text :)

Top 4 - takot ako sa daga. Hindi sa nandidiri ako sa itsura nila, kundi dahil sa mahilig silang manggulat! Kasi sa bahay nung may nakalusot na bubwit sa matindi nameng bantay na si yuri at tapos sakto nung mga panahong iyon ay nagwawalis ako (ehem, totoo rin ito - nagwawalis ako :) ), ayun, di man lang nagpasabi, bigla na lang siyang lumabas, na-"hit" ko pala yung pinagtataguan niya". Mula nun maxado na kong naging paranoid sa daga, pero i hope mawala na!xe panget hnggng pagtanda may takot p rin ako - di na ko naggrow nun!

Top 3 - marunong ding sumayaw! hahaha, i have this ability to follow the moves pero talagang hindi ako magaling hahaha, aminado ako jan, atleast marunong lang.

Top 2 - isang Pet Society adik! hay, hindi ko alam kung anong meron sa larong to na nakaka-addict. hindi naman gnun kaganda yung graphics pati hindi rin ganun ka interactive, pero dahil sa kakyutan ng mga pets at sa motivation ng mga magagandang houses, ginganahan akong maglaro tuloy!

Top 1 - Nakakakuha na ko ng Zero sa finals exam ! hahaha, nakakatuwa na lng balikatan ngayon, pero isang beses ko pa lang namang nararanasan. it was in my first year sa ust taking up archi sa subject n physics 2.siguro pinandigan ko kasi ang quote na its better to get zero than to cheat! pero mukhang nakalimutan ko ang kasabihang - pag may tinanim, may aanihin!, kaya wala siguro akong inani nung time na yun!

Top 0 - matagal akong tumigil sa pag inom sa bote ng gatas! ewan ko ba pero talagang ang tagal kong naejoy siguro yung lasa ng gatas sa tsupon. may kakaiba talaga kasing sarap na sa ngayon hindi ko ulit nalasan pag sa baso ako umiinom. yun yung mystery na mukhang mahirap matuklasan!

At jan natatapos ang 5 sa aking mga top simple truths about my self. psensya n kung may zero ha, kasi may sumubok sa aking kakayahn n mgbilang dati at tinanong niya ako kung marunong ba akong magbilang, aba'y sabi ko agad syempre oo, highschool na ako eh!, tapos sabi niya, "...sige nga magbilang ka nga", aba ako naman nagbilang sabi ko"... 1,2..", di pa nga umaabot ng three sinabi na agad na mali, kasi ang number daw di naman naguumpisa sa 1, sa zero daw! kaya ayun inapply ko lang dito , kasi baka mabasa nung kaklase ko na yn sabihin na naman hindi ako marunong magbilang.

Bago magkalimutan, ang mga papasahan ko pala ng ganitong SImpleng AWard ay ang lahat ng mga taong nakita kong talagang honest sa blog nila sila ang mga sumusunod:

1. Divine Tingzon sa kanyang "Forever Friends" na post
2. Laurie Mae Gucilatar sa kanyang "For the First time" na post

You Might Also Like

2 comments

  1. katuwa.. nagawa mo na pala to ng di ko namamalayan.. hahaha

    ReplyDelete
  2. I've been reading your blog for a while.. Gusto ko rin sana ipasa sayo itong Tag/Awards na nakuha ko to some of our blogger friend. Visit my blog to see it. Thanks..

    Http://denzmeister.blogspot.com

    ReplyDelete

you are free to write any comments regarding about my postings :)

SUBSCRIBE

Like us on Facebook