Tuesday, isa sa mga araw na paborito dahil sa simpleng dahilan - walang pasok. Ginanahan na naman akong magsulat ng aking karanasan sa isang partikular na jeep na aking nasakyan. At ang isa sa mga mapalad na jeep na napili ko ngayong ibahagi ay ang aking karanasan sa Jeep na may rutang Bagong Silang Kanan Maligaya Daan. Ngayong araw kasi ito ang tanging karanasan na tumatak sa akin.
Ang pinagtuunan ko ng pansin ngayon ay si manong backride at ang kanyang paniningil. Pansin ko lang, bakit ganito na ang mga naging gawain ng mga jeep na mula sa pila? Laging may tagasingil sa loob na backrider? Mayroon akong dalawang general na naisip na paliwanag ukol dito: unang-una, siguro gustong masiguro ni manong driver na makakapagbayad lahat. Ayaw na niya sigurong isa-isang tandaan at abangan kung sino sa mga pasahero nya ang nagbayad na, sino ang hindi pa at ang mga mukhang wala nang balak talaga. Ang ikalawa naman sa aking teorya ay maaring bilang isang serbisyo Pilipino ng driver sa kanyang mga pasahero. Sa ganitong paraan medyo hindi na rin mahihirapan ang pasahero sa pakikisuyo sa manong o manang na nasa unahan para iabot lang yung kanyang bayad.
Nakalipas na ang ilang minuto at nakadaan na rin kame halos sa marami raming bahay nang biglang napabulong yung backrider sa akin ng “Wala po ba talaga kayong barya mam?” Ayun pala, kanina pa pala siya isip ng isip kung paano nya susuklian ako at ang tatlong tao na katabi ko na mga nagbayad ng buo. Kawawa naman si manong backrider, kanina pa siguro sya bumubuo ng plano sa isip nya kung paano siya magkakaroon ng baryang pansukli sa aming mga buong bente! Sa isip isip ko tuloy medyo nagsisi ako, kasi kung nuong una pa lang na binayad ko na agad yung barya ko , din a sana mamomoblema si manong backrider ngayon. Sa isang banda kaya ko lang naman nagawa yun dahil sa naninigurado lang ako na sakto o sobra na yung ibabayad ko, kasi mamaya pala magbayad ako, tapos pala kulang pa rin. Ayoko kasi na magbabayad ako tapos may mga pahabol na comment yung backrider na “kulang pa po ng piso. Sa panahon kasi ngayon, yung pamasahe nagiging parang editorial section na – based on one’s opinion! Yung standard ng LTO, hindi na nasusunod kasi pinalitan na ng sariling standard ni manong driver! Siguro hindi naman mangyayari to kung yung bawat pasahero ay nalalaman ang tamang pamasahe n adapt niyang bayaran. Kasi kung hindi talaga niya alam pano nya yun ipaglalaban?!
Pero buti na lang, salamat kay Lord kasi mukhang hindi editor tong natiyempuhan kong nagbackride. Tama lang siya magpresyo kasi ang singil niya sa amin ay pamasaheng studyante lang– P6.00.
Ayon sa nauna kong mga pangungusap, hindi ko naman sinasabi na lahat ng driver ay ganun, ang punto de vista ko lang ay mayroon ilan o karamihan sa kanila ang ganun. Pero sa tutuusin sa isyu ng paniningil na yan, ngayon ko lang napatunayan at narealize na hindi rin pala madaling maging backrider sa jeep. Kasi bukod sa mag-aamoy pera yung kamay mo kakahawak ng pera, ikaw din ay inaasahang dapat magaling o may talento sa pagbabalanse base sa pagbabackride ni manong backrider ay dapat kang naniningil habang umaandar ang jeep. What a talent! Kitang-kita ko kung paano nagamit ni manong backride ang skills nyang to sa kanyang paniningil! Isang hidden technique ang aking nasaksihan ng gamitin niya ang “no-hands balance”! As in walang kinapitan si manong backride nung time na yun sa kanyang paniningil kasi ang kanyang kanang kamay ay busy sa pagkuha ng pera sa pasahero at ang kaliwa naman ay ang humahawak sa mga naka one-half-length-wise na naka-fold na pera. Kung iisipin, ginagawa nila yun mula umaga hanggang maghatinggabi ng paulit ulit at ang matindi, araw-araw! Ngayon iniisip ko pa lang napapagod na ko, pano na kaya si manong backride? Kaya siguro wala na ring sumagot sa kanya nung sinabi nya sa mga pa-special na nagbabayad ng buo na – “…mayroon naman pala kayong mga barya hindi nyo pa binayad, pinahirapan nyo lang akong magcompute!”. Sorry manong backride.
Masasabi ko na isa ito sa mga simpleng karansan ko na nakapaghayag ng hindi simpleng isyu sa ating lipunan na kung titingnan at papansin siguro naten magiging simple din siguro baling araw!
It's only ME!
15 years ago
2 comments
hehehe...
ReplyDeletecute naman ng post na to!
galing mo talaga magsulat te!
keep it up!
muah!
just reading...quite interesting....
ReplyDeleteyou are free to write any comments regarding about my postings :)