simple

Simple but terrible!

Thursday, February 19, 2009



Isa sa mga paborito kong adjective o pantukoy ay ang salitang "Simple". kasi bukodsa hindi ito mahirap itranslate sa English dahil parehas lang naman ng spelling, ay isa ito sa mga salitang feeling kong "honest" and medyo magaan pakinggan.

Naghanap ako sa mga online dictionaries para makakuha ng mga karagdagang impormasyon tungkol sa pinagmulan ng salitang Simple. Pero sa aking paghahanap mukhang di ganun ka-Simple kasi nakaka-ilang search na ko kay Google eh wala akong mahanap na "etymology" nung salitang paborito ko eh. Nagbabakasakali lang kasi ako kung merong pinaggalingang salita ung "Simple" tulad ng mga ibang malalim na salita na buhat pa pala sa salitang griyego o latin o minsan bisaya!

At sa wakas mula sa isang saktong online dictionary na kapangalan ng isa sa Pilipinong Senadora natagpuan ko rin ang etymology ng salitang "Simple".
Ayon sa Merriam-Webster.com ito raw ay galing sa salitang Latin na simplus na ang ibig sabihin ay "pagkakaroon ng iisang sangkap".

Kung pagbabasehan ko ang pinagmulan ng salitang Simple marami akong mailalagay na kahulugan ngayon sa paborito kong Salitang ito.

Una masasabi kong simple ang isang bagay kung ito ay "plain". Ipagpalagay natin ang pagluto ng piniritong itlog, pag isang sangkap lang ang gagamitin ko sa menung ito, itlog lang talaga yun wala ng iba. wala nang asin para pagmukhain na merong lasa kahit papano ang itlog. Wala ring kamatis para bigyan ng kulay ay dilaw na itlog. At siyempre walang giniling na karne o kahit dilis para masabing may laman naman yung itlog.
"Simple" lang as in Plain. Tugma pala talaga yung "payak" sa simple no!

Pangalawa, pag ang isang sangkap ay walang kahalo masasabi rin nating "hindi komplikado" kasi kung iisipin mo pag gumawa ka nang mosaic (eto yung pagdidisenyo gamit ang iba't-ibang uri ng materyales para makabuo ng isang larawan) hindi ba't mas madali kang matatapos kung ang gagamitin mo lang ay isang uri ng materyales tulad ng papel. Kapag hinaluan mo na ng itlog, tpos glass,tpos buhangin masasabi mo pa bang simple yun?

Pangatlo, masasabi rin pala nating simple ang isang subject na inilalarawan naten kapag ito ay "bare". WYSIWG (What you see is what you Get) kasi kung ano yung nakikita mo yun na yun. wala ng iba. Kapag umiinom ka ng tubig nahahalata mo agad kung may kahalong ibang kakaibang elemento sa iniinom mo di ba. kasi kitang kita at alam mo na tubig at tubig lang dapat ang inumin mo wala na dapat langgam, langaw o alikabok dun sa iniinom mo.

Pangapat, Simple din nateng maituturing kapag ang inilalarawan mo ay wala nang pagkakahati-hati. Itulad naten sa paggawa ng cake. Mayroong mga wedding cake na umaabot hanggang 5-6 feet! biruin mo! pero syempre hindi lang yun binubuo ng isang layer. Kasi kung titingnan mo pangit naman talaga itsura kung ganun ang mangyayari! magmumukhang poste hindi cake. Pero kahit ganoon pa man kahit ito'y cake sa kabuuan hindi pa rin ito masasabing simple dahil marami syang pagkakabahabahagi.

Siguro iniisip mo parang magkakatulad lang naman lahat yun? yung pagiging payak,bare o hubad, at walang dibisyon? Pero kung susuriin mong mabuti hindi pala, kasi maaaring simple kasi "bare" pero pwede ring mayroong pagkakahati-hati naman katulad ng sibuyas. Dami rin palang layers. dame pang tinatago. Na nagiging daan para maging kumplkado rin at sunod na dun na hindi na pagiging payak.

Grabe hindi pala ganun ka-Simple ang salitang SIMPLE! Simple but terrible nga!
Nuon isa ito sa mga paboritong gamitin kapag sumasagot ako ng Slum-Note! Dun sa bahagi ng slumnote na - "Describe yourself". Bago pa ko nakiuso sa "Judge ME" ang laging banat ko sa umpisa ay - "Im Simple". Minsan naliligaw din sa bandang "what did you like Him/Her the most?".

Hay, hindi pala ganun kasimple yung inaakala kong simple! Kasi kung ano pala yung simple yun pa yung pinakamahirap gawin! Ang hirap kayang kumain ng itlog na walang asin? lalo na kung wala pang kanin! Damang-dama mo talaga ang lasa ng itlog. Pero minsan sa buhay madalas nagiging totoo. Para lang maiwasan ang pagiging hubad, payak at walang pagkakahati-hati natin, mas ninanais pang matapalan ng ibang sangkap para lang maiwasang lasahan, makita ang totoong tayo.

Napaisip tuloy ako kung ayos lang na gamitin ko pa tong pantukoy sa buhay ko?
Simple lang kaya ako? Siguro masasabi ko, hindi pa, pero nais kong maging paalala sa akin ang title ng blog ko para matuto pa kong mamuhay ng simple.

You Might Also Like

4 comments

  1. wow..grabe.. Nakaka-touch! Simple lang din ang masasabi ko... Nakaka-INSPIRE ka talaga! I want to live simple but it seems to be I'm not contented yet.. Hahaha! Thanks for a very inspiring blog!!!

    ReplyDelete
  2. Hi Diday,
    Nakita ko comment mo dun sa blog ni Sherwin. Kaya naisip ko tuparin ang pangarap mo. :) Sinama ko na rin ang iba mong fwendships.
    I'm passing the "honest scrap award" to you sine I know you deserve it. Have fun!
    Please visit my site for the details. :)

    ReplyDelete
  3. Uu ngapala, nag-follow na din ako sayo. :)

    ReplyDelete
  4. thanks for to follow my blog!
    I don't speak very much engilsh, but anyway...I hope that you like!

    Kisses from Argentina.

    ReplyDelete

you are free to write any comments regarding about my postings :)

SUBSCRIBE

Like us on Facebook