simpleng buhay sa jeep

Simpleng Buhay sa Jeep 4

Wednesday, March 11, 2009

March 6, 2009

Biyernes, alas siyete ng gabi, nakasakay na rin ako sa wakas ng Jeep para makauwi sa bahay. Pinili ko ngayong sumakay sa jeep na papuntang ALMAR para mas mabilis akong makauwi. Isa ito sa aking “options” na pwede kong gawin na kung saan kapag sa loob ng tatlumpung minuto ay hindi pa rin ako nakakasakay ng Jeep na may “signboard” na Bagong Silang Maligaya daan na siyang dapat ko talagang sakyan pauwi sa amin.

Kung ilalarawan ko ang nasakyan ko ngayong jeep ay masasabi kong simple naman siya. Wala itong gaanong dekorasyon di tulad ng iba. May taripa naman si manong. Nasa isip ko nga nung panahon na iyon siguro hindi makakasama itong karanasan ko dito sa aking journal ng mga napiling karanasan sa jeep kasi akala ko nung mga panahong yun hindi makakapagiwan ng tatak sa aking alaala. Ngunit pagdating namen sa bandang robinson napasabi k sa sarili ko mukha ngang masasama to!

Sa normal na highway na tulad sa daanan papuntang Almar ay dapat binubuo lamang ng dalawang lane papuntang ALMAR at dalawang lane naman patungong BELFAST Avenue, pero sa aking pagsuring mabuti ang normal na highway na ito ay parang naging abnormal ata nung mga panahong yun! Naging apat na lane ang papuntang ALMAR at isang lane na lang patungong BELFAST Avenue! Grabe mukhang nabanat ata yung highway sa loob loob ko. Nung mga panahong yun napaisip na ako na maglakad na lang o sumakay ng ibang sasakyan. Hirap talagang maipit sa traffic!

Traffic? Yan ang ayaw na ayaw marinig ng mga studyanteng malapit ng malate. Yan din ang ayaw na maranasan ng mga taxi na kukunti na lang ang tutubuin. Iyan din ang ayaw na ayaw ng mga executives na may mga hinahabol na urgent meetings. Traffic, traffic, traffic! Mukhang sa lahat ng uri ng tao na nagttravel sa lupa na gamit ay sasakyan ay ayaw ang word na ito kasi pagkatapos kung huminahon at bumalik sa realidad na ako’y nasa jeep pa rin, napansin ko sa mga itsura ng mga ibang pasahero na mukhang sila din talagang namomoblema! Tulad na lamang si manag ale na mukhang galing sa opisina na naka-ilang beses ng napapatingin sa kanyang relo at sabay titingin sa labas. Mayroon naming manong na hindi ko mahulaan kung saan siya naggaling na napapa – “tsktsktsk” sabay lilingon rin sa labas. At ang karamihan sa mga pasahero nung panahong yun ay nakadungaw sa labas at mukhang nag-aabang sa mga susunod na mangyayari.

Sa wakas nakaramdam din ako ng hangin kasi umandar na rin kami! Siguro sa oras na iyon mayroon na syang nabuong plano para makaalis kami! Nag-umpisa sa siyang gumilid hanggang makaabot kmi sa pang apat na lane, akala ko liliko na siya at iikot sa Belfast Ave pero sa aking pagkagulat ayun mukhang nagdagdag pa siya ng isang lane para sa papuntang ALMAR! Ngayon nalaman ko na kung ano ang ugat ng traffic – yun ay mula sa mga taong hindi marunong maghintay at ayaw magbigay. Siguro nga gusto lang makaalis ni manong sa ganung sitwasyon sa pamamagitan ng alam niyang pinakamabilis na paraan. Pero sa isang banda, lalo lang tumindi ang traffic dahil sa ginawa nya.

Katagalan ng paghihintay may dumating rin na pulis o MMDA para ayusin ang gulo. Mapalad kami kasi isa kami sa unang pinadaan sa mumunting uwang na daanan. Napa – Hay lahat halos ng pasahero sa panahon nay un, bagamat yung iba di nagsalita, pero sa mukha nila mukha ng okay sila. Tama ba yung ginawa ni manong driver o hindi? Siguro kasama yun sa mga maling kaugalian sa kalsada na dapat ng tigilan ng mga motorist, at nawa matuto na ang bawat isa na magbigay!

You Might Also Like

0 comments

you are free to write any comments regarding about my postings :)

SUBSCRIBE

Like us on Facebook